Abante Tonite Interactive

Trak sa Ilocos Norte nahulog sa bangin, driver patay

By
118

Patay ang isang dri­ver matapos malaglag sa bangin ang minamanehong dump truck sa Banna, Ilocos Norte noong Martes.
Kinilala ni Banna Police Station (BPS) commander Chief Insp. Arthur Clemente, ang biktima na si Norbert Pasion, 43, ng Barangay Bugasi ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Clemente na naghatid ng mga buhangin ang biktima sa Barangay Bininggan, Batac, at habang binabagtas niya ang kalsada papasok sa bayan ng Banna ay biglang malaglag ang minamanehong 10-wheller truck sa bangin na may lalim na 17 metro.

Naipit umano ang biktima sa manibela ng sasakyan na dahilan ng kagyat na kamatayan.

Ayon kay Clemente, posibleng umanong nakatulog ang biktima dahil magkasunod na gabi itong nakipag-inuman.