Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trak sinuyod supermarket: Tsuper, pahinante dedbol

0 129

Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang truck driver at kanyang pahinante makaraang kapwa masawi nang magdesisyon ang nauna na ibangga sa pader ng isang supermarket ang minamanehong truck na nawalan ng preno sa Brgy. Sta. Cruz, Guiguinto, Bulacan, Martes ng hapon.

Batay sa report ng pulisya, hindi pa nakikilala ang nasawing drayber at kanyang pahinante nang mapisak matapos maitulak ng malakas na puwersa ang kargang kahoy ng truck patungo sa kanilang kinalalagyan sa harap ng truck na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Pasado ala-1:00 kahapon ng hapon naganap ang insidente nang isalpok ng drayber sa isang supermarket sa Brgy. Sta. Cruz ang kanyang minamanehong Canter truck na may kargang mga tabla matapos mawalan ng kontrol sa sasakyan.

Nabatid na mabilis nagresponde ang Guiguinto Rescue Team para maialis ang dalawang biktima na nasa harapan ng sasakyan na naipit ng toneladang bigat ng mga kahoy.

Napag-alamang maaaring nagdesisyon ang drayber na ibangga na lamang ang kanyang minamanehong truck sa pader ng supermarket kaysa makadisgrasya pa ng mga tao at mga sasakyan.

Patuloy pang inaaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima habang nakumpirmang galing sa mataas na bahagi ng Tabang Bridge ang truck na nawa­lan ng kontrol bago sumalpok sa pader ng supermarket. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.