Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trak swak sa bangin

0 37

Nasawi ang isang truck driver nang mahulog sa bangin ang minamaneho nitong wing van truck sa Atimonan, Quezon Biyernes ng umaga.

Kinilala ang namatay na si Patrick Jayson Ciega, 37, taga-Cainta, Rizal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report ng Atimonan police, kasama ang kanyang pahinante na si Rex Gumarang, 37, tinatahak nila ang palusong at kurbadang bahagi ng Maharlika highway patungong Bicol, nang mawalan ng kontrol sa manibela si Ciega.

Bumangga muna ito sa mga concrete railings ng highway, bago tuluyang nahulog sa bangin.

Bumaliktad pa ang truck matapos mahulog sa bangin na ikinasawi ng driver. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.