Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trak vs dyip: 2 dedbol, 6 sugatan

0 125

Patay ang drayber at isang pasahero nang makasalpukan ng sinasakyan nilang dyip ang isang wing van truck sa Maharlika Highway sa Tiaong, Quezon bago mag-alas-dose ng hatinggabi nitong Miyerkoles.

Kinilala ang nasawi na si Onofre Murphy, 69-anyos at ang isa sa mga pasahero nito na si Arnold Tolentino, parehong residente ng Barangay Lalig, Tiaong.

Batay sa report ng Tiaong Police, aksidenteng naararo ng dyip ang mga concrete barrier sa gilid ng kalsada kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber at napunta ang sasakyan sa linya ng kasalubong na trak na minamaneho ni Danilo Montero.

SM food to go Banner Ad

Sa lakas ng salpukan, nasugatan din si Montero at ang pahinante nito na si Ronilo Jabonero, 50-anyos, parehong taga-Lucena City.

Isinugod din sa ospital ang mga nasugatang pasahero ng dyip habang pareho namang idineklarang dead on arrival sina Murphy at Tolentino. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.