Abante Tonite Interactive

Traktora ng Yanmar mapapagana gamit ang smartphone

0 155

Walang maiiwanan. Hindi magpapaiwan.

Ganito ang nais iparating ng Yanmar, Japanese farm equipment manufacturer na naglunsad nitong Enero 29, taong kasalukuyan (2019) ng kanilang bagong traktora.

Ang makabagong traktora na pangsaka na inilunsad ng Yanmar ay maaaring gamitin sa mga rice paddy at dry field at higit sa lahat ay ma-a-access sa pamamagitan ng smartphone.

Ang inilunsad na traktora na pa­ngunahing kagamitan ng mga magsasaka ay 51 horsepower midrange (YM) 351 tractor at 57 horsepower YM357A na kapwa tinaguriang state of the art technology SMART Assist (SAR) dahil mahahanap ito ng ope­rator at kung papaano ito gumagana sa pamamagitan ng smartphone.
Gamit ang geological features, maari rin itong mag-isyu ng babala kung ang makina ay nag-o-operate sa labas ng preset parameter o kumikilos ito lagpas sa hangganan ng iyong sinasakahan.

Ayon kay Yanmar Agribusiness Corporation President Hiroaki Kitaoka makakatulong ang YM tractor para makatipid ang mga magsasaka, mapadami ang produksiyon ng ani, bukod sa napakakomportableng gamitin at napakadaling i-monitor ang mga palayan dahil sa SAR technology na consistent sa digital transformation.

“With the entry of the YM into the burgeoning Southeast Asia tractor market, Yanmar is poised to deli­ver 21st century agriculture towards improving lifestyles, delivering va­lue and keep continue to provide sustainable solutions to the region’s farmers,” paliwanag ni Kitaoka.

Katuwang ang major Indian tractor maker ay binuo ng Yanmar ang katawan (body) ng traktora sa India gamit naman ang mga equipment mula sa Japan.
Ang final assembly ng maka­bagong traktora ay ginagawa sa Thailand kung saan idinaos ang launching ng produkto noong Enero 29, 2019.

Ayon kay Yanmar Philippines sales and marketing officer Cherish Hufancia inaasahang darating sa merkado ng Pilipinas ang makabagong traktora sa Marso, ngayong taon.

Itinatag sa Osaka, Japan noong 1912, ang Yanmar ang kauna-una­hang nagtagumpay sa compact diesel engine na may practical size noong 1933 gamit ang industrial engine na cornerstone.

Nagpatuloy ang kompanya sa pagpapalawak ng kanilang produkto, serbisyo at expertise para maghatid ng total solution bilang isang industrial equipment manufacturer.

Mula noon ang Yanmar glo­bal business operations ay lumawak hanggang sa naging 66 ang kompan­ya sa buong mundo kabilang ang Southeast Asian gaya ng Pilipinas, Thailand, Singapore, Indonesia, Vietnam at Myanmar.