Abante Tonite Interactive

Trangkaso kalat sa mga SMB player, coaching staff

179

Hindi nakaligtas ang mga player at coach ng San Miguel Beer sa trangkaso dulot ng napakalamig na panahon pagdilim hanggang magdamag samantalang napakainit naman sa umaga hanggang hapon.

Sapol ng nasabing karamdaman sina Marcio Lassiter at Von Pessumal, at si assistant coach Peter Martin.

Bumagsak ang produksyon ng u­nang-una habang naupo lang ang huli nang itaob ng five-time defen­ding champion Beermen ang Blackwater noong Peb. 6, 93-79.

“Baka ‘yung panahon na nga. Pati coaching staff, nahawa na sa sakit. Von wasn’t able to play, and si Marcio was not able to practice because of his sickness nga,” komento ni San Miguel coach Leo Austria sa nagdaang mga araw sa dumapong sakit sa team.

Laking pasalamat pa rin ni Austria dahil nakabalik na mula sa kaniya-kaniyang sakit at pilay sina Arwind Santos (food poisoning), Terrence Romeo (left ankle), Alex Cabagnot (hamstring injury) na pamasak kina Lassi­ter at Pessumal.

Pero injured pa rin si Christian Standhardinger (left knee).