Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Transaksyon mabilis sa mobile app – Isko

0 272

Hinikayat ni Mayor Isko Moreno ang publiko na subukan ang online transaction sa Manila City Hall para hindi na umalis pa ng bahay.

Ayon kay Moreno, mahigit 10 porsyento na ng mga regular na nagbabayad ng kanilang transaksyon sa city hall ay online payment na ang ginagamit at labis na nasisiyahan sa pamamaraang ito.

Kaya hinimok ng alkalde ang nasa 370,000 real property owner at mahigit 50,000 business operators sa Maynila na lumipat na sa online payment kaysa pupunta pa sa city hall na posibleng mag-expose sa kanila sa panganib ng COVID-19 infection.

Simple lamang aniya ang gagawin, mag-download sa kanilang mobile phone ng `GO MANILA’ app para sa mabilis na transaksyon sa city hall. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.