Abante Tonite Interactive

Transfer certificate isinangla ni utol

By
411

Dear Atty. Claire,

Isinanla po ng kapatid ko yung transfer certicate title na nakapangalan sa mga magulang namin. Patay na po ang mga magulang ko. 

Isinanla niya ng ng ‘di ko alam. Nalaman ko lang noong 2015 nang namatay ‘yung kapatid ko na isinanla po ito nung 2013. Nakita ko lang ‘yung handwriting ng kasunduan ng pagsasanla nito. Ano po ba  ang dapat kong gawin at ‘di ko po kilala yung pinagsanlaan nya.

Salamat po.

Marietta

***

Marietta,

Kung nakapangalan naman ito sa mga magulang ninyo ay hindi naman niya ito basta  maisasanla nang hindi pa nailipat sa pangalan ninyo.

Wala pang personality ang kapatid mo na magsanla lalo pa na hindi mo alam dahil ikaw ay isang co-owner na. Kung naisanla ito ay lumalabas na hindi ‘in good faith’ ang napagsanglaan at mahihirapan siyang ipasubasta ito kung sakali.

Ngunit dahil dito ay nagkakaproblema ka. Marahil na ang titulo ay kanyang pinaubaya sa inutangan at napagsanglaan niya ng titulo ng lupa. Kung hindi mo kakilala ay makikita mo naman ang address niya sa kasulatan na nakita mo, at doon ay matutunton mo siya para makausap.

Kung sakali naman na magiging maganda ang usapan ninyo, bayaran mo na lamang siya at iawas sa share ng brother mo ang na-advance na niyang halaga. Kung sakali na hindi magi­ging makatwiran ang pinagsanlaan, ipaalala mo sa kanya na maaari mong ipawalang bisa ang sanglaan kaya’t mas mainam na isang win-win solution ang pairalin ninyo.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.