Abante Tonite Interactive

Transgender model nairita kay Winwyn

By
2,353

Binatikos ng transgender model na si Xtina Superstar ang naging pahayag ni Winwyn Marquez tungkol sa hindi niya pagpabor na sumali ang mga trans-women sa Miss Universe beauty pa­geant.

Sa panayam kay Winwyn ng PEP, sinabi niyang she has nothing against transgenders at nirerespeto niya ang mga ito. Pero sana raw ay ibigay na sa natural-born women ang Miss U.

Of course, expected nang aani ng katakot-takot na reaksyon ang matapang na pahayag na ito ni Winwyn dahil as we all know, noon pa ay malaking issue sa society natin ang LGBT rights and equality.

At isa na nga sa nag-react ay si Xtina Superstar na nairita sa sinabi ni Winwyn.

“Nothing against trangenders BUT…” is really just a way of saying I can tolerate you but I can’t accept you as a woman. Girl, just cut the bs and say that you don’t agree to it, wag mo na echosin ng “nothing against transgenders” or “I respect the Lgbt” keme, nakakairita lang,” ang tweet ng modelo.

In fairness naman to Winwyn, ang daming nagtanggol sa kanya at pumabor sa kanyang pahayag.

“Leave Miss U alone. Im with @wynmarquez this time. Lahat na lang gusto nyo kayo rin? The pageant Is for “real wo­men” only. Gawa na lang kayo sarili nyo,” komento ng isang netizen.

“Sobrang sensitive nyo naman, opinion nya yon no? Res­pect2 pa kayong nalalaman, e respect nyo rin opinion naming natural born women, palagi na lng ba kayo ang iintindihin? eh, sa di kami pabor na di kayo sasali sa missU..” reaksyon naman ng isa pa.

Reply naman sa isang gay,”I cant take that u have the same label with my mother.. as a woman. Hahaha Wake up girl! Ur just a girl.. but not a woman! Dream on! I have high respect with lgbt people coz im a gay.. lets be proud of our own identity. Respect to the real woman!”

Napakarami pang mga comment ang mga netizen na nagpapahayag ng pagsang-ayon sa pahayag ni Winwyn.

Ang isyung pinagdedebatehan kung puwede bang sumali ang transwomen sa Miss U ay matatandaang nagsimula sa pagkakapanalo ng isang transwoman na si Angela Ponce bilang Miss Universe Spain 2018.
Siya ang magre-represent ng kanyang bansa sa Miss U 2018 isa sa makakalaban ng ating representative naman na si Catriona Gray. Ito ay kung ia-allow ng pamunuan ng pageant ang pagsali nga ng transwomen na sa ngayon ay wala pang linaw.

Sharon-Kiko ‘di pakitang-tao ang pagsasama

Pinatunayan ng panganay na anak nina Sharon Cuneta at Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan kung gaano kamahal ng magulang niya ang isa’t isa sa kanyang recent tweet na talaga namang ikinakilig ng maraming netizen.

Nag-post si Frankie ng lara­wan nina Sharon and Sen. Kiko na nasa dining table at sa caption ay ikinuwento niya kung gaano kaganda ang moment na ‘yun.

“Was kee­ping dad company while he had some late dinner, then mom arrived home and at the sound of her voice his eyes just lit up and he asked me “was that mama??” now they’re just sha­ring some food and looking at each other lovingly what cuties,” ang caption ni Kakie (nickname ni Frankie).

Umani ng mga positive reaction mula sa mga netizen ang naturang tweet at lahat ay iisa halos ang komento – napaka-sweet pa rin ng mag-asawa.

Komento pa nga ng isa, parang kahapon lang daw nagkakilala sina Sharon at Kiko.

Ilang beses na ring natsismis na ‘on the rocks’ ang marriage ng mag-asawa at hanggang ngayon nga, may ganito pa ring espekulasyon ang marami. Na kesyo pakitang-tao na lang daw ang pagsasama ng dalawa at kung ano-ano pang tsismis.

Pero sa tweet na ito ni Frankie, this just proves na mali talaga ang mga tsismis lalo pa nga’t na-capture ng dalaga ang off-guarded moment na ‘yun.