Abante Tonite Interactive

Transgender pinahiya, kinaladkad sa Farmers Plaza

0 758

Isang transgender woman ang nakaramdam ng pagmamaltrato mula sa isang staff ng Farmers Plaza matapos umano itong hiyain, itaboy at kaladkarin ng isa sa mga staff nang pumasok ito sa isang comfort room.

Nag-ugat ang insidente makaraang pumasok sa palikuran ng mga babae ang nasabing transgender woman na kinilalang si Gretchen at tinangkang gumamit ng CR.

Agad naman itong pinigil ng ‘di pa kinilalang staff, pinalilipat sa male comfort room at sinasabing binitbit pababa ng Farmers Plaza. Kasunod noo’y nagsimula nang magtalo ang dalawa nang i-video ng transgender woman ang nasabing insidente.

Sa nasabing video ay makikitang hinampas at inaawat ang biktima sa kanyang pagbi-video.

“Ayan po, tatlong beses akong tinampal at tatlong beses tinangkang agawin ang cellphone ko,” saad ni Gretchen.

Maririnig din sa nasabing video ang tila panunuya ng staff sa biktima.
“Hoy, hindi ka artistahin. Hindi ka maganda para sumikat ka!”

Bukod dito ay sinabihan pa si Gretchen­ ng “Sisirain ko ‘yan. Sabi ko sa ‘yo patayin mo ‘yang video.”

Ang SOGIE o Sexual­ Orientation and Gender Identity and Expression at mas kilala bilang Anti-Discrimi­nation Bill (ADB) ay inaasahang pagtitibayin ngayong 18th congress.