Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Transport group pasaklolo sa mga barangay

0 45

Nanawagan na ang isang transport group sa mga opisyal ng barangay para tulungan sila sa pagpapatupad ng no bakuna, no ride policy simula bukas, Enero 17.

Sa panayam ng Abante Radyo kagabi, sinabi ni Orlando Marquez, presidente ng Liga ng Transportasyon at Operatos sa Pilipinas (LTOP), na sana tumulong ang mga barangay sa pag-inspeksiyon ng bakuna card ng mga pasahero para hindi maabala ang biyahe at malaman kaagad kung sino ang mga hindi pa bakunado.

“Nananawagan kami sa mga barangay na tulungan kami at magtakda ng sakayan para may sistema sa pag-check ng vaccination card ng mga pasahero,” ani Marquez.

Mas mainam aniya na may sakayan para hindi na titigil ang mga bus at jeep sa bawat kanto para bago sumakay ang pasahero ay alam na kung sino ang bakunado at hindi.

Sumulat na aniya sila kasama ang iba pang transport group sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maiparating sa mga alkalde ang kanilang mungkahi subalit wala pang sagot dito ang tanggapan ni MMDA chairman Benhur Abalos. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.