Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Transport leader sa Davao binoga

0 54

Pinagbabaril hanggang sa mapatay nitong nagdaang Miyerkoles ang chairman ng isang transport cooperative sa Davao del Sur.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Ronald Sabandal, ang chairman ng Digos Padada Transport.

Sa ulat, nabatid na nangyari ang pananambang sa Digos City.

Sinabi ng Digos Police na batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa highway sa Brgy. Aplaya.

Pauwi na sana siya at galing sa terminal pero bigla na lang may umalingawngaw na putok ng baril.

Doon na nakita ng mga residente na nakabulagta ang lider na biktima.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay at pagkakakilanlan ng suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.