Abante Tonite Interactive

Trapik nakakaubos ng pasensya

157

Dear Abante Tonite:

Hindi na po nakatutuwa at nakakawala na talaga ng pasensya ang malubhang traffic na nararanasan sa Metro Manila.

Tanong ng taumbayan, wala na ba talagang magagawa para rito? Hanggang kailan ba ang pagkokomyutiis namin?

Ibang level ng stress na ang nararanasan ng mga ­pasahero at driver kaya hindi nakapagtataka kung dumami ang mga nangyayaring road rage o away sa kalsada na humahantong nga sa sakitan at malala pa minsan ay patayan.

Perwisyo rin araw-araw ang mga aberya tulad ng banggaan, nasiraang sasakyan na sinasabayan pa ng ginagawang kalsada.

Lalo pa ngayon na malapit na ang Pasko at marami ang pera ng tao na mamimili ng pangregalo, tiyak na lalabas ang mga ito at makakadagdag sa laman ng kalsada.

Ngayong taon, hindi naman sa walang ginawa ang mga ahensya ng pamahalaan, kaya lang para sa akin mayroon pa ring pagkukulang na dapat punan.

Patunay nito ang malala pa ring traffic.

Sana makarating ito sa mga namumuno at ­namamahala sa traffic.
Andy ng Alabang