Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trapik sa no vaccine, no ride maliit na bagay – DOTr

0 34

Inaasahan ng Department of Transportation (DOTr) na makakadagdag sa problema sa trapiko ang implementasyon ng no bakuna, no ride policy sa Lunes, Enero 17.

“Maaaring makadagdag ito sa pagbagal ng biyahe ng mga tao subalit ang inconvenience na magagawa nito ay napakaliit kumpara sa kaligtasan ng ating mananakay sa ating pampublikong sasakyan,” sabi ni DOTr Undersecretary Artemio Tuazon Jr. sa Laging Handa public briefing kahapon.

Maaaring bahagyang magkaroon aniya ng antala sa trapiko ang mga pasahero pero maliit na bagay ito kumpara sa kaligtasan nila.

Ang iniiwasan aniya ng DOTr ay magkaroon ng pagkalat ng COVID-19 sa mga pampublikong sasakyan at mapipilitan silang itigil ang operasyon katulad ng nangyari noon sa Metro Rail Transit (MRT) dahil sa mataas na kaso ng virus infection. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.