Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trapiko sa EDSA bumigat sa dagdag na P2P bus stop

0 282

Aminado ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na bumigat ang daloy ng trapiko sa EDSA kahapon dahil sa itinalagang 16 na bus stop para sa operasyon ng mga P2P bus.

Gayunman, agad na tiniyak ni MMDA spokesperson Celine Pialago na maiibsan ang pagsisikip ng trapiko kapag nailagay ang 36,000 concrete barrier sa mga nakatalagang bus stop mula Monumento hanggang PITX sa susunod na linggo.

Mula sa dating tatlo, may 16 ng bus stop ang inilaan para sa mga P2P bus at ito ay ang MCU, Bagong Barrio, Royal, Balintawak, Kaingin, Roosevelt, North Ave., Quezon Avenue, Q Mart, Main Avenue, Santolan, Ortigas, Guadalupe, Ayala, Taft at Pasay. Bagaman kumpleto ang mga signages sa North at South bound lane ng Edsa kung saan bababa at sasakay ang mga pasahero, ipinaalam agad ni Pialago na wala pa ring ilaw ang Ilan sa mga bus stop.(Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.