Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tratter, Alaska tinumba Ginebra

0 75

Mga laro ngayon: (DHVSU, Bacolor)

2 pm – Meralco vs Blackwater

4:35 pm – Alaska vs TNT

Inumpisahan ng Alaska ang back-to-back-to-back games sa Bacolor, Pampanga sa tono ng 89-75 paglampaso sa Ginebra Biyernes ng gabi.

Huling lumaro noong Sept. 2, Huwebes lang din nakasama ng Aces sa praktis ang walong player, pero tinambakan hanggang 64-41 ang defending champions.

Limang players ni coach Jeff Cariaso ang umiskor ng 10 pataas sa pangunguna ng 13 ni Abu Tratter at 11 ni Mike Digregorio para itulak ang Aces sa 3-6. Babalik sila sa Don Honorio Ventura gym para harapin naman ang TNT ngayon bago ang Terrafirma bukas (Linggo).

“We have no excuses. We’re gonna go on to this (3 games in 3 days) as ready as we can and we’ll gonna play as hard as we can,” giit ni Cariaso.

Napigil sa 4-6 ang Ginebra na ayaw pumasok ang mga tira (28 of 84), obligadong talunin ang Meralco sa huling laro para magkatsansa sa playoffs.

May 20 points si Stanley Pringle pero nangailangan ng 21 tira. Pinagsamang 5 of 20 sa field lang sina LA Tenorio at Christian Standhardinger.

Sa first game, sumakay ang Magnolia (7-3) sa basket ni Calvin Abueva sa final second para takasan ang NorthPort (4-5) 90-89.

Pasok na rin sa playoffs ang San Miguel Beer (6-3) matapos balasahin ang Phoenix 110-80 (4-8) sa likod ng 24 points ni CJ Perez, 19 ni Mo Tautuaa at 18 points, 11 rebounds ni June Mar Fajardo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.