Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tratuhin kaming tao! Angelica pinagtanggol mga Kapamilya

0 322

RP

Nagsalita na si Kapamiya actress Angelica Panganiban ilang araw matapos ibasura ng 70 kongresista ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa serye ng mga tweet ni Angelica, pinaliwanag nito na kaya siya nanahimik sa mga nakaraang araw ay dahil sa halo-halong emosyon ng galit, takot at pangamba sa tigil-operasyon ng kanilang network.

“Ilang buwan nang nag-iisip paano na ang kasamahan namin sa trabaho. Ang pamilya nila. At dumating na ang araw na napakahirap tanggapin,” saad ni Angelica.

Pinatamaan din ng aktres ang mga mambabatas na aniya’y inuna ang pansariling interes kaysa magserbisyo para sa bayan.

Binuweltahan din ni Angelica ang mga umano’y pinagtatawanan pa ang mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil sa shutdown.

“Tratuhin niyo naman kaming mga tao. Kaming lahat na nawalan ng trabaho. Nawalan ng tahanan. Paano niyo kayang sikmurain na pag tawanan ang kapwa ninyo pilipino na nawalan ng kabuhayan?” giit pa nito.

“Hindi namin ikakamatay ang masasakit ninyong salita laban sa amin. Pero, ikakamatay ng marami sa kasamahan ko at ng mga pamilya nila ang gutom na mararanasan nila sa mga darating na araw. Tapos na ang panahon para matakot,” aniya pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.