Abante Tonite Interactive

Trauma kay Elisse ayaw isipin ni McCoy

457

Para kay McCoy de Leon, lahat ng love team, kahit ‘yong mga sikat na ay dumadaaan sa iba’t ibang klase ng pagsubok.

Isa ring malaking hamon para sa magka-love team ang mapanatili ang kanilang tambalan tulad na lamang ng nangyari sa kanila ni Elisse Joson.

Sa kanilang paghihiwalay ng landas ni Elisse, marami raw siyang natutunan.

“Na-realize ko. Ang laki pa pala ng mundo. Sa mga nangyari, hindi naman kailangang maging negative. Tingnan mo lang ang brighter side. Lahat naman iyan, panandalian lang,” paliwanag niya.

Sa kanya, enjoy raw siya na magsolo o walang permanenteng ka-love team na naa-identify sa kanya.

“Oo naman, masaya rin naman ‘yong ganoon pero open din naman ako kung may ka-love team, kasi ayokong isarado ang doors ko. Masaya rin naman iyon at iba rin ‘yong kasiyahan,” aniya.

Kahit nauwi sa pagkabuwag ang tambalan nila ni Elisse, ayaw rin daw niyang isiping ma-trauma dahil sa naging attachment niya rito.

“I want to respect her. ‘Yong mga nangyari. Once na naging mindset mo ‘yong trauma, pangit pakinggan. So stay positive na lang,” sey niya.

Naniniwala rin siya na mas mainam din na kung may love team na mabubuwag, dapat may closure rin ito.

“Depende naman iyan. Kung kailangan talaga kasi mako-confuse kayo. Ang hirap din na walang closure,” pagtatapos niya.

Sa pagpasok ng Bagong Taon, very positive ang vibes ni McCoy na magwo-work ang kanilang love team ni Kisses Delavin dahil sa kanilang chemistry.

Sila ang bagong love team na aabangan sa “D’ Ninang” na palabas na simula sa Enero 22 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa. (Archie Liao)