Abante Tonite Interactive

Travel agency ng bata ni POC off’l gamit sa double booking

By
1,166

Grabe as in grabe talaga ang pagkakataon na kumikita ang mga opisyal sa sports.

Hindi lang madalas na nakakabiyahe ang mga opisyal ng sports na libre sa lahat mula sa airfare, accommodation at food kundi nakakadagdag pa rin sa kanilang ganansiya ang double booking o magkabilaang representasyon.

Madalas na free rin at kargo ng mga organizer ang flight ticket, food and lodging at mayroon pa na representation allowancs ang mga atleta at opisyal kung dadalo sa mga torneo.

Isa na rito ang dating kabilang sa pamilya ng Philippine Olympic Committee (POC) na hindi lamang umaakto na opisyal kundi patagong nagmamay-ari pala ng isang travel agency.

May isang pagkakataon na natalo sa bidding ang kanyang agency para sila ang makapagpadala ng national athletes sa Asiad, ay agad nitong tinabla ang mga dapat na makakasama at kabilang sa delegasyon at secretariat ng Pilipinas sa torneo.

Nabuking din ang paniningil nito sa dapat na kabayaran ng isang dating opisyal ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) na bumili ng sarili nitong tiket pero mayroon din pala itong isa pang tiket na kuwestiyonableng nai-book sa kanyang biyahe.

Kakaiba talaga ang pagmamaniobra sa pagbo-book ng mga biyahe hindi lamang ng mga atleta kundi pati na rin ang pag-alis ng mga opisyal sa sports.

Sino siya? Dati po siyang secretary ng isang sports organization at may letrang ‘N’ sa kabuuan ng kanyang pangalan. ‘N’ as in napakatindi mo ma’am.