Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Travel allowance sa 2021 budget tatanggalin

0 93

Nais ng isang senador na tanggalin sa panukalang P4.5 trilyong national budget sa 2021 ang pondo para sa pagbiyahe ng mga opisyal ng gobyerno at ilaan na lang pantulong sa mga Pilipinong labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Suhestiyon ito ni Senador Sherwin Gatchalian lalo na’t inamin umano ni Budget Secretary Wendel Avisado na wala nang inilaang pondo para sa Social Amelioration Program (SAP) o mas kilala sa tawag na “ayuda” sa panukalang P4.5 trillion national budget para sa 2021.

“Hindi ko nakikita na magkakaroon ng biyahe, baka buong taon next year. Unang-una walang gusto bumiyahe, pangalawa it will take time bago bumalik sa normal `yong tourism natin,” pahayag ni Gatchalian sa panayam sa radyo.

“So pwedeng tanggalin ang pagbiyahe, lakbay-aral, dahil ngayon webinar na lahat kaya di mo kailangan magpakain, di mo na kailangan ng magrenta ng sasakyan, lahat mas mura na sa webinar,” ani Gatchalian. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.