Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Travel authority, medical certificate sa bibiyahe ‘di na kailangan- IATF

0 108

Hindi na kailangan pang kumuha pa ng ang mga maglalakbay ng ‘travel authority’ mula sa Philippine National Police (PNP) at medical certificate sa health office ng mga local government unit’s (LGU) na kanilang destinasyon.

Ito ang kininumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa layuning ma-harmonized ang national travel protocols para sa land, air, at karagatan.

Sa inilabas na pahayag ni DILG Undersecretary and spokesperson Jonathan Malaya, nagpalabas na ang IATF-MEID ng Resolution No. 101 nitong Biyernes na inaaprubahan ang ‘streamlined travel protocols’ na ginawa ng ahensiya sa koordinasyon ng PNP, Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), League of Provinces of the Philippines, League of Municipalities of the Philippines, at League of Cities of the Philippines.

SM food to go Banner Ad

Aniya, ang bagong protocols ay aplikable sa lahat ng LGUs sa buong bansa, kung saan ay inatasan ang lahat ng mga lokal na pamahalaan na sumunod sa bagong regulasyon na inisyu ng IATF.

Sinabi pa ni Malaya, hindi na rin sapilitan o mandatory ang COVID-19 testing para sa ‘domestic travelers’ maliban na lamang kung ang LGU na patutunguhan ay nais pa ring humingi ng testing bilang requirement bago ang paglalakbay.

Pinayuhan din ng opisyal ang mga travelers na kailangang alamin muna sa LGU na kanilang patutunguhan ang mga ipinatutupad na ‘protocols’ upang maging maayos ang kanilang paglalakbay.
(Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.