Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Travel ban niluwagan sa India variant

0 221

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force ang non-government repatriation mula sa mga bansang inilagay sa travel ban dahil sa Indian variant.

Bukod sa India, kabilang sa may travel ban ang Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman at United Arab Emirates.

Batay sa resolusyon ng IATF, lahat ng Pinoy mula sa nabanggit na mga bansa ay kinakailangang magpakita ng negatibong RT-PCR test result na isusumite sa Bureau of Quarantine pagdating sa Pilipinas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inutos din ng IATF na lahat ng Pinoy na galing sa mga nabanggit na bansa ay kailangang sumailalim sa 14 araw na quarantine.

“Liban sa repatriation program ng Philippine government, in-exempt ng inyong IATF ang non-Philippine government repatriation efforts sa entry restrictions sa mga manggagaling ng India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, and the United Arab Emirates,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas sa pitong bansa bilang pag-iingat para hindi makapasok ang B.1.617.2 COVID variant na nagmula sa India. Tatagal ang travel ban hanggang Hunyo 15. (Aileen Taliping/Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.