Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Travel ban sa 7 bansa pinalawig, Indonesia sinama na

0 40

Isinama na ang Indonesia sa listahan ng mga bansang isinailalim sa travel restrictions.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force para sa travel restriction ng nabanggit na bansa epektibo bukas, Hulyo 16, 2021.

Lahat ng mga pasaherong nakatakdang dumating sa Pilipinas mula sa Indonesia bago mag-July 16 ay papayagan pang makapasok subalit kinakailangang sumailalim sa 14-day facility quarantine kahit pa mayroong negative RT-PCR test result.

Dumami muli ang COVID cases sa Indonesia kaya naging alerto ang gobyerno sa pagbabantay sa posibleng pagpasok ng COVID variants sa bansa.

Naunang pinalawig ang travel restriction sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, Oman at United Arab Emirates. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.