Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Travel ban sa bagong COVID 26 bansa sakop

0 98

Nadagdagan pa ng anim ang 20 bansang unang inilagay sa travel ban ng gobyerno para hindi makapasok ang bagong COVID-19 sa Pilipinas.

Kabilang dito ang Portugal, India, Finland, Norway, Jordan at Brazil.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel restrictions sa nabanggit na mga bansa matapos irekomenda ng Department of Health (DOH) at Department pf Foreign Affairs(DFA).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magiging epektibo ang travel ban sa mga pasaherong magmumula sa nabanggit na mga bansa sa Enero 8 (Manila time) hanggang Enero 15, 2021.

Pero maaari pang makapasok sa Pilipinas ang mga pasaherong galing sa anim na bansa kung darating sila bago mag-Enero 8, kailangan lamang sumailalim sa 14 araw na quarantine kahit pa negatibo sila sa RT-PCR test.

Para naman sa mga mga uuwing menor de edad na mga Pilipinong walang kasama mula sa mga bansang may travel restrictions, sinabi ni Roque na hindi papayagang makapasok ang mga ito sa Pilipinas hanggang sa Enero 15, 2021.

Ang tanging papayagan lamang ay mga menor de edad na kabilang sa repatriation program ng gobyerno at isasailalim ito sa pangangasiwa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).(Aileen Taliping/Juliet de Loza-Cudia/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.