Abante Tonite Interactive

Travel ban sa Canada binawi ng palasyo

0 234

Inutos kahapon ng palasyo ng Malacañang na alisin na ang ipinaiiral na travel ban sa mga government trip patungong Canada.

“This refers to this Office’s Memorandum, dated 20 May 2019, directing all department secretaries and heads of agencies, GOCCs and GFIs to refrain from issuing travel authorities for official trips to Canada, and to reduce official interaction with representatives of the Canadian Government,” ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa nilagdaan memorandum noong Hunyo 4, iniha­yag ni Medialdea ang pag-aalis ng travel ban sa Ca­nada matapos na pormal na maibalik sa Canada ang tone-toneladang basura nito na nanatili sa bansa sa loob ng ilang taon.

“In view of the Canadian Government’s retrie­val and reshipment to Canada of the containers of garbage mentioned in the aforesaid directive, please be informed that such directive is hereby lifted, effective immediately,” sabi ni Medialdea.

Noong Abril nagbanta ng giyera si Pangulong Rodrido Duterte sa Canada kaugnay ng isyu ng basura. (Prince Golez)