Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Travel ban sa India, 9 pang bansa hanggang Sept 5

0 48

Pinalawig hanggang Setyembre 5 ngayong taon ang travel ban na ipinatupad ng gobyerno laban sa 10 bansa.

Inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para palawigin pa ang travel ban sa India, Pakistan, Bang­ladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia.

Lahat ng mga pasaherong manggagaling sa mga nabanggit na bansa ay hindi papayagang makapasok sa Pilipinas.

Nilinaw ni Roque na ang paghihigpit ay bahagi ng mga kaukulang hakbang ng gobyerno para mapabagal ang pagtaas ng mga kaso ng COVID at mapigil ang pagkalat nito sa bansa. (Aileen ­Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.