Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Travel ban sa India nirerepaso pa

0 196

Pinag-aaralan pa ng Inter-Agency Task Force ang posibilidad na magdeklara ng travel ban sa India dahil sa paglutang ng double mutant variant ng COVID-19 sa nabanggit na bansa, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa kabila nito, wala naman umanong posibilidad na makapasok sa bansa ang double mutant variant ng COVID mula sa India dahil hindi pa pinapayagan ang mga dayuhang turista sa Pilipinas.

“Pinag-aaralan na po iyan bagamat wala naman po tayong direct flights ngayon sa India,” ayon pa kay Roque.

Mga dayuhang may business visa at mga miyembro lamang ng diplomatic community ang pinapayagang makapasok sa bansa sa ngayon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.