Abante Tonite Interactive

Travel ban sa Singapore kinukonsidera ng DOH

0 258

Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) kung isasama na rin ang Singapore sa travel ban dahil sa banta ng 2019 coronavirus disease o COVID-19.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, makikipagpulong siya sa inter-agency task force at ipiprisinta niya ang risk assessment upang matukoy kung napapanahon na bang i-exclude ang Hong Kong sa tra­vel ban o isama na rin dito ang Singapore.

“‘Yung risk assessment ipi-present ko mamaya sa inter-agency task force kung napapanahon na i-exclude natin ang Taiwan o Hong Kong. O kung dapat ba nating i-include ang Singapore,” ayon kay Duque.

Napaulat na mayroon ng 50 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore, base na rin sa datos ng World Health Organization, habang umaapela naman ang Taiwan sa pamahalaan na irekonsidera ang ipina­tutupad nilang travel ban sa kanilang bansa. (Juliet de Loza-Cudia)