Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Travel pass sa MGCQ `di na kailangan – DILG

0 318

Hindi na kailangan pa ng mga magbibiyahe na kumuha ng travel pass o travel authority kung plano nilang tumawid sa ilang lugar para sa pamamasyal o paglilibang, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya.

Ito’y matapos na payagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang leisure travel mula sa NCR Plus (Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna) patungo sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay Malaya, ang kailangan na lamang gawin ng mga biyahero ay alamin ang mga travel guideline ng mga local government unit sa lugar kung saan sila pupunta. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.