Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Travel pass, valid ID kailangan sa provincial bus

0 159

Balik biyahe na ang mga provincial bus simula sa Setyembre 30 subalit naglabas ng guideline ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil dito.

Base sa anunsyo na nilabas sa Facebook page ng Department of Transportation (DOTr) nitong Sabado, kasama umano sa napag-usapan ng LTFRB at ng mga local government unit ang mga patakaran sa pagbiyahe ng mga provincial bus sa kanilang nasasakupan.

Saad sa anunyo, para sa mga pasahero ay kailangang magdala ng mga sumusunod para makasakay sa mga provincial bus:

*Travel authority/pass mula sa PNP sa terminal na panggagalingan ng pasahero;

*Valid ID na may kalakip na importanteng impormasyon ng pasahero tulad ng address/place of origin, edad, at lugar kung saan nag-aaral o nagtatrabaho;

SM food to go Banner Ad

*Written Consent na pumapayag ang pasahero na sumailalim sa COVID-19 testing o magpa-quarantine sa terminal na pinagmulan at/o huling destinasyon sakaling ito ay kailanganin ng LGU;

*Iba pang mga dokumentong kailangan ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at LGU.

Obligadong ang driver at mga pasahero na magsuot ng face mask at face shield, pagdala at paggamit ng disinfecting agent tulad ng alcohol at sanitizer, at sundin ang 1 meter physical distancing.

Bawal din ang pagkain, pag-inom at pakikipag-usap sa kapwa pasahero at paggamit ng cellphone sa loob ng pampublikong sasakyan.

Nakasaad din sa Memorandum Circular 2020-051 na kailangan makakuha ng trip ticker ang pasahero dalawang araw bago bumiyahe o mas maaga pa sa pamamagitan ng online facility o sa mismong bus terminal. Bawal umano bumili ng trip ticker sa mismong araw ng pagbiyahe maliban kung ito’y emergency tulad ng problema sa pamilya o sa kalusugan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.