Abante Tonite Interactive

Travis, Hotshots syut sa q’finals

596

Ipinagpatuloy ni Romeo Travis ang pangunguna sa nagtatanggol na kampeong Magnolia Hotshots upang bitbitin ito sa 100-93 panalo kontra TNT KaTropa sa out-of-town game kagabi ng 2019 PBA Governors Cup sa University of Southeastern Philippines Gym sa Davao City.

Nagtala si Travis ng 21 puntos, 13 rebounds, 3 assists at 3 steals upang giyahan ang Hotshots na makatuntong sa quarterfinals sa kabuuan nitong 6-5 panalo-talong record.

Nahulog naman ang KaTropa sa ikatlong sunod na kabiguan sa 7-3 record.
Hindi pinalasap ng Hotshots ng pagkapit sa abante ang KaTropa sa kabuuan ng laro kung saan nagawa pa nitong itarak ang pinakamalaki nitong 23 puntos na abante.

“We just kept our focus on the game,” sabi ni Travis. “We have our game plan and we stuck on it throughout the entire game and this is the result.”

Tanging si Chris Banchero lamang ang nakapagtala ng double figure para sa mga local ng Hotshots sa kinubrang 13 puntos, kasama ang 3 rebounds at 4 assists. (Lito Oredo)