Abante Tonite Interactive

Travis makakakuha ng child support kay Kylie

791

Tinaguriang youngest­ billionaire si Kylie Jenner (21) base sa Forbes List. Kaya naman sigurado na ang magandang kapa­laran ng anak ni Kylie na si Stormi Webster sa kanyang boyfriend na si Travis Scott.

Sa success ng make-up mogul, maaapektuhan kaya siya sa oras na maghiwalay sila ng rapper? Lalo na at may anak sila kahit hindi kasal?

Hindi maitatanggi na mas mayaman si Kylie­ kay Travis, kaya naman­ maaapektuhan ang kanyang pagiging bilyonaryo sa oras na maghiwalay sila ng boyfriend. Walang magagawa si Kylie kundi magbigay ng child support kay Travis kahit siya pa ang nag-aalaga­­ sa anak.

Ayon sa California Family Law Attorney na nakausap ng @Hollywoodlife, “Travis can ask for child support and since his income is significantly lower than Kylie’s, even though she may have more custodial­ time. It’s certainly possible­ that Kylie could even be paying Travis child support even if she has more time, she’s very susceptible.”

Paliwanag pa nito, “The reason for that is because the courts want the child to be in equivalent homes so that they’re not going from two completely different ‘rags to riches’ experiences.”

Kung sakali man na ikasal si Travis at Kylie, nakasaad sa batas na magiging kahati ni Kylie ang magiging asawa sa empire na binuo niya. Maliban na lang kung magsasagawa sila ng prenuptial agreement.

Sigurado naman kasi na poprotektahan ni Kylie­ ang ari-arian na binuo niya. Hindi rin papayag ang kanyang ‘momager’ na si Kris Jenner­, lalo na at isa ito sa namama­hala sa kanyang­ career at usaping pinansyal. (Ronaline­ Avecilla)­