Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TRB hawak sa leeg ng NLEX-MVP

0 255

Dahil sa kawalang aksyon ng Toll Regulatory Board (TRB) sa kapalkapan ng mga operator, kabilang ang NLEX Corporation na bahagi ng kompanyang nasa ilalim ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan, tinawag ni Senador Win Gatchalian ang ahensya na hawak sa leeg ng mga namamahalang kompanya.

Sa isang panayam sa radyo, natanong ang senador hinggil sa tugon nito sa depensa ni TRB Executive Director Abraham Sales tungkol sa kapalpakan sa RFID kaugnay ng pinatupad na cashless payment ng toll.

Aniya, “Kahit isang libo beses mong sinabihan ‘yung mga operator, kung hindi mo pagmumultahin, hindi ho matatakot itong mga ito. Ito ay malalaking kumpanya na tingin ho nila kaya nila gawin ‘yung gusto nilang gawin.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa ng senador, hindi umano ginamit ng TRB ang kapangyarihan nito para sa mga operator ng toll. “Pangalawang problema, hindi niya ipinaabot doon sa mga nagdedesisyon na pinapangunahan ng DOTr kaya lumabas din po sa aming pagdinig, na ang DOTr, ‘yung Chairman, at ‘yung board ay hindi ho alam na meron palang ganitong problema.”

“Ito ay matatawag sa terminology po ng ekonomista na ‘regulatory capture’ kung saan yung ahensya na nagbabantay po sa mga ganitong operator, eh hawak na sila sa leeg ng mga operators,” sabi pa ni Gatchalian.

Ayon pa sa senador na sa kanilang pagkilatis, ginagawa lang umano TRB ang trabaho nila na bantayan ang mga operator isang beses sa dalawang taon. Hindi rin umano sinumite sa board ang resulta ng inspeksyon at sa mga gumagawa ng desisyon kaya sila lang din ang nakakaalam sa resulta ng inspeksyon.

“Ang pangatlo, wala pong standards na inilagay o panuntunan na nilagay tungkol po sa performance o kung ano po yung mga gagawin po ng operator. Kaya yung operator mismo, siya na yung gumawa ng sarili niyang standards at yung standards na ginawa niya eh hindi naman po para sa kabutihan ng ating mga motorista,” aniya pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.