Abante Tonite Interactive

‘Tres’ ipapalabas ng Imus Productions

By
197

Kulang sa isang buwan mula ngayon ay maipapalabas na ang comeback movie ng Imus Productions na pinamagatang ‘Tres’. Pagbibidahan ito ng inyong lingkod para sa 72 hours, kasama ang aking mga kapatid, Bryan Revilla para sa ‘Virgo’ at Luigi Revilla para sa ‘Amats’. Ito ay ipapalabas sa mga sinehan sa darating na Oktubre 3.

Ang Tres ay binubuo ng tatlong maiiksing pelikula na nagpapakita ng kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa kaugnay ng anti-drogang kampanya ng administrasyon. Layu­nin nitong maipakita sa mamamayang Pilipino ang iba’t ibang istorya kung paano nililipol ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa.

Nais ng Imus Productions na gami­tin ang pelikula bilang eye-opener sa ating­ kabataan. Isa itong passion film na maitutu­ring dahil bukod sa magiging maaksiyon ang pelikulang ito, kapupulutan natin ito ng mga aral. Napapanahon ang pelikulang ito dahil nagpapatuloy pa rin ang pagpuksa ng administrasyon sa droga.

Ang 72 hours ay pagbibidahan ng inyong lingkod, kasama ko sina Rhian Ramos, Albert Martinez, Dominic Roque at iba sa direksiyon ni Direk Dondon Santos. Ang Virgo naman ay pagbibidahan ni Bryan Revilla kasama sina Joey Marquez, Carla Humphries, Paolo Paraiso at iba pa sa direksiyon ni Direk Richard Somes. Habang ang Amats naman ay pinagbibidahan ni Luigi Revilla kasama sina Assunta de Rossi, Myrtle Sarrosa at iba pa sa direksiyon din ni Direk Dondon Santos.

Asahan niyong may makabuluhang kuwento kayong mapapanood dahil sinigurado na­ming batay sa katotohanang kaganapan sa kasaluku­yan hango ang pelikulang ito. Kaya sana ay tangkilikin ng ating kababayang Pi­lipino lalo’t higit ng a­ting kababayang­ ­Caviteño!