Abante Tonite Interactive

Tres ni Curry hindi malimutan ni Horford

0 465

TULAD ng ibang players at fans, nakatutok din si Al Horford sa social media o kung saan man may mapapanooran ng video snippets.

Suspendido ang NBA season dahil sa coronavirus, marami ang nagpapalipas-oras sa social media.

Isa sa pinaka-popular na aktibidad ang panonood ng highlights.

Ang social media team ng NBA ang pinakamasipag mag-post, isa rito ang video ni Golden State Warriors superstar Stephen Curry na hindi nakalagpas kay Horford.

“One of the toughest shots ever!” tweet ng Philadelphia 76ers center.

Isa sa iconic plays ni Curry sa laro kontra Oklahoma City Thunder noong Feb. 2016.

Tabla ang iskor sa 118-118 2.5 seconds sa overtime, bumato si Curry ng 38-foot go-ahead basket. Napakalayo, pero parang nasa perimeter lang siya nang bumitaw – walang kahirap-hirap.

Ang eventual winner sa larong ‘yun ay ang 12th 3-pointer ni Curry na pumantay sa record nina Kobe Bryant at Donyell Marshall para sa most made 3s in a game.

Nanalo ang Warriors sa match para sa 53-5, tinapos kalaunan ang season sa record pa ring 73-9 card.

Nasa OKC pa si Kevin Durant sa larong ‘yun, pagdating ng offseason ay tumalon sa Dubs na nagresulta sa dalawang NBA championships ng Warriors. (VE)