Abante Tonite Interactive

Tribal Games tumikada — Tamayo

136

Sumiklab na ang ang ika-10 anibersaryo ng POC-PSC Indigenous People’s Tribal Games Sabado, Hunyo 7, sa Sitio Target, Brgy. Sapang Bato, Angeles City, Pampanga.

Pinangunahan ni Philippine Olympic Committee Indigenous Games head Col. Jeff Tamayo.

Layon ng tribal games na ito na muling maisalba ang papawalang kultura ng Indigenous people partikular na ang traditional sports na sinimulan ng grupo noong 2009.

Tampok sa event ang mga isport na ginagamitan ng pana, sibat at sumpit. Dagdag pa dito ang barefoot races na pinagbinidahan ng mga katutubong Aeta, Mangyan at Dumagat.

Lingid sa kaalaman ng marami, gumagawa din ng ingay sa international stage ang mga katutubo.

Taong 2010 nang sumalang ang mga ito sa Saba Tribal Games at noong 2015 sa World Sabah Tribal Games sa Tocantins, Brazil at naging parte naman ng organizing committee ang bansa noong 2017 sa World IP sa Canada. (Myris Lee)