Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tribu ayaw sa COVID vaccine

0 247

Isang tribu sa Basey, Samar ang inaming hindi pa sila bukas sa ideya na dapat silang magpabakuna kontra COVID-19.

Ang tribu ay ang mga Mamanwa na nakatira sa Barangay Guirang, at binubuo ng 28 mga pamilya at 80 indibidwal.

Ayon kay Jennifer Cabadungan, pinuno at tagapagsalita ng tribo, nagda­dalawang-isip sila kung magpapaturok ba dahil sa takot sa maaaring maging side effect nito.

“While the vaccine offered by our government is meant to give protection against COVID-19, we are not ready to be vaccinated,” saad ni Cabadungan. “We don’t know what will be its effects on us, our bodies, especially to our elders. So for now, we are not open to it.”

Nabatid na simula pa nang kumalat ang COVID-19 sa bansa ay wala pa ni isa sa kanilang tribo ang nagkakaroon ng virus.

Ito raw ay dahil nagpunta sila sa kanilang bukirin at pansamantalang ini­wan ang kanilang kabahayan upang hindi mahawa pero kapag lumalabas naman daw sila at nagpupunta sa matataong lugar ay sinisikap nilang sumunod sa mga health protocol. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.