Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tricycle driver, 1 pa timbog sa P100K shabu

0 255

Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng 22 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P149,600 sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Marikina Heights, Marikina City kamakalawa ng gabi.

Batay sa Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Abraham Kamidon, 40-anyos, residente ng Brgy. Concepcion Dos at Jayson Soriano, 30, tricycle driver ng Brgy. Parang.

Inaresto ang mga suspek alas-6:10 Lunes ng gabi sa kahabaan ng Gen. Ordoñez Street matapos makipagtransaksyon ang isang tauhan ng station drug enforcement unit sa mga suspek at nakabili ng droga.

Nakumpiska pa mula sa mga suspek ang apat na small heat sealed transparent plastic sachet at apat na medium plastic sachet na naglalaman ng shabu, isang unit cellphone, isang motorsiklo at P500 buy bust money. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.