Abante Tonite Interactive

Tricycle driver na sweet lover tinodas ng karelasyon

By
439

Dakong alas-5:45 nang hapon noong Setyembre 4, 2017, isang araw makaraan ang pamamaslang kay Wilberto, nagsagawa ng paniniktik ang kapulisan sa sinasabing lugar sa C. Santos Street su­balit bigo silang makita o masulyapan man lamang ang hinihinalang suspek sa pagpatay.

Gayunman, nakapagbigay ng impormasyon ang kanilang impormante sa pangalan at pagkakakilanlan sa babaeng tumutugma sa deskripsiyong ibinigay ni Pinto na napagalamang lumilingon sa pa­ngalang Vivian Espinar, 48, biyuda at naninirahan sa isang bahay sa C. Santos Street.

Kinabukasan, Setyembre 5, araw ng Martes, muling nagsagawa ng pag-TUGIS ang binuong team ni Malabon police chief Senior Supt. John Chua na kinabibilangan nina SPO4 Benedicto Zafra, PO2 Virgilio Agustin, PO1 Junar Adarlo na pawang miyembro ng follow-up unit, PO2 Richard Acojedo at PO1 Usman Kasmi na kapwa nakatalaga naman sa PCP-7 upang dakpin si Espinar.

Alas-10:20 nang umaga, lulan ng isang mobile patrol at pribadong sasakyan, nagtungo silang muli sa Barangay Niugan at doon ay nakakuha sila ng impormasyon na nasa kanilang bahay sa No. 11 Unit 3 C Santos St. ang pinaghihinalaang suspek na si Espinar.

Unang nakipag-ugnayan sa barangay ang mga pulis at kasama ang dalawang barangay tanod, nagtungo sila sa sinasabing bahay ni Espinar at pinagbuksan naman sila ng pintuan ng isang tomboy na kalaunan ay nakilalang si Josephine Del Rosario, ang sinasabing ka-live in ni Espinar.

Ipinaliwanag ng mga pulis kay Jospehine ang kanilang pakay hanggang sa tawagin nito ang kinakasamang si Espinar na nasa itaas lamang ng kanilang tirahan.

Nang bumaba si Espinar, isinagawa na ng mga operatiba ang pagdakip sa kanya at sinabi ang kanyang mga karapatan bilang akusado, gayundin ang kinakaharap niyang kaso na batay sa umiiral na panuntunan sa pagdakip sa ilalim ng Saligang Batas.

Kusa namang sumama sa mga pulis si Espinar at bago siya dalhin sa headquarters ng Malabon Police Station, idinaan muna siya sa Pagamutang Bayan ng Malabon upang ipasuri ang kanyang kalusugan batay sa umiiral na panuntunan ng pagdakip sa akusado.

Pagsapit sa tanggapan ng Malabon Police SIDMB, muling kinuhanan ng pahayag ni PO2 Rockymar Binayug ng karagdagang salaysay ang testigong si Rolando Pinto at dito ay muli niyang isinalaysay ang mga nasaksihan niyang pangyayari kaugnay sa nangyaring pamamaril at pagpatay sa tricycle driver na si Wilberto Felix.

Iniharap din sa kanya ang nadakip na si Vivian Espinar at positibo niyang kinilala ang ginang na aniya ay nakita niyang bumaril kay Wilberto bago inilagay nito ang baril sa isang plastic bag at iniabot sa dalawang lalaking nakasakay sa magkahiwalay na motorsiklo na posibleng kanyang kasabuwat sa krimen.