Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tricycle driver rumaket sa droga, timbog

0 169

Sa halip na manibela, rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng isang tricycle driver na umano’y drug pusher, matapos itong maaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang sinampa laban sa suspek na si Louie Mangahas, 37, ng Brgy. 33 ng nasabing lungsod. Bago ang pag-aresto kay Mangahas, isinailaim muna ito sa dalawang linggong surveillance, matapos ang ulat na nagtutulak ito ng shabu bukod sa pagiging tricycle driver.

Mga kasamahan daw nito ang karaniwan niyang parokyano ng suspek. Umiskor ng P1,400 halaga ng shabu ang dalawang asset sa suspek. Pagsayad sa kamay ng suspek ng buy-bust money, doon na siya dinampot ng dalawang pulis.

Nakuha kay Mangahas ang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.