Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tricycle driver sa QC nagbigti

0 95

Nagbigti ang isang tricycle driver sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Ang biktima ay isang 48-anyos na may asawa, tricycle driver at residente ng Brgy. Bahay Toro, QC.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-8:00 kamakalawa ng umaga nang madiskubre ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng kanilang tahanan sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Christian Loyola ng CIDU, papasok sana sa kanilang bahay ang lalaking anak ng biktima pero naka-lock umano ang pintuan.

Dahil dito ay sumilip umano ang anak sa butas ng dingding at doon ay nakita niya ang nakabigting katawan ng ama sa kisame.

Agad humingi ng tulong ang anak sa kanyang babaeng pinsan at puwersahan nilang winasak ang lock ng pintuan saka mabilis na ibinaba ang nakabigting katawan ng tricycle driver.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isinugod pa sa Quezon City General Hospital ang biktima pero idineklara na siyang dead-on-arrival bandang alas-8:30 ng umaga ni Dr. Brandon Arbulado.

Nabatid sa misis ng biktima na nagtangka na ring magpakamatay ang kanyang mister noong Oktubre 2020 pero naagapan nila ito.

Hindi naman binanggit ng misis ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang asawa.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may tanong tungkol sa mental health, kailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin o nanganganib mag-suicide.

Maaaring tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727) o telepono (7989-8727 o 1553). (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.