Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tricycle driver sinalpok ng ambulanya

0 72

NASAWI ang isang tricycle driver nang banggain ng ambulansiya ng barangay sa Tagaytay City, Cavite.

Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Freddie Anacay, 36, may-asawa, taga-Brgy Kaybagal South ,Tagaytay City habang kinilala ang driver ng ambulansiya ng barangay na si Laureano Bayot Jr., 49, may-asawa ng Tagatay City, Cavite.

Sa ulat ni PSMsgt Ariel Banaag, ng Tagaytay City Police Station, alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente.

Binabagtas ng biktma at suspek ang kahabaan ng JP Rizal St., Brgy Kaybagal South ng naturang Lungsod kung saan minamaneho ng una ang motorsiklong Kawasaki na may side car habang isang ambulansiya ng barangay naman ang suspek nang pagsapit sa nasabing lugar ay banggain ng huli ang tricycle ni Anacay.

Sa tindi ng pagkakabangga, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.