Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tricycle driver tinumba ng tandem

0 52

Todas ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng riding-in-tandem, habang kumakain sa kariderya, sa Caloocan City.

Agad nasawi si Mark Angelo Mamait, 23, dahil sa mga tama ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa pulisya, alas-10:00 Miyerkoles ng gabi nang mangyari ang insidente, galing sa pamamasada ang biktima at masaya pa umano dahil malaki ang kinita. Dumeretso ito sa isang karinderya sa Langit Road, Brgy. 176, at kumain ng mami.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kasagsagan ng paghigop ng sabaw biglang huminto sa tapat ni Mamait ang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki na may takip ang mukha at walang habas na pinaputukan ang target.

Naulilala ni Mamait ang dalawa malilit na anak at ina nito.

Wala umanong alam ang mga kasamahang tricycle driver na may kagalit si Mamait. Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pagpaslang sa biktima. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.