Abante Tonite Interactive

Tricycle, taxi arangkada pa sa Davao City kahit lockdown

616

Ipinagtanggol ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang desisyon na payagan pa ring bumiyahe ang mga tricycle at taxi kahit isinailalim na sa enhanced community quarantine ang kanilang lungsod simula noong Abril 4.

Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na ang kanyang desisyon na patuloy makapagbiyahe ang mga tricycle at taxi sa kanilang lungsod ay batay aniya sa memorandum circular ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na inisyu noong Marso 21.

“People who own vehicles can easily move around and the general public would resort to walking more than 20 kilometers just to buy food and other basic necessities,” ani Duterte.

Sa kanyang Executive Order No. 23, pinayagan ni Mayor Sara na bumiyahe kahit may enhanced community quarantine sa Davao City ang mga sumusunod na sasakyan:

*mga pribadong sasakyan at taxi na isang pasahero lang sa likuran para sa physical distancing

*mga tricycle na isang paahero lang sa likura

*single rider motorcycle o bicycle

*mga libreng bus para sa mga empleyado at mga sector na hindi sakop ng enhanced community quarantine katulad ng mga heath worker at iba pang frontliner.

Nagpahayag din ng kahandaan si Mayor Sara na harapin ang anumang imbestigasyon na gagawin ng DILG at National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa kanyang naging desisyon,

“I would appreciate any proposal, should anyone have a better answer on how we can individually transport to the hospital, clinics, grocery stores, public markets, and other establishments providing basic necessities, at any given time, between 6 am and 6 pm, approximately 400,000 individuals with food and medicine passes, in an area comprised of 2,443.61 square-kilometers,” sabi pa ng alkalde.

Samantala, wala naman umanong nakikitang mali ang Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease (IATF-EID) kung bumibiyahe pa rin ang mga tricycle at taxi sa Davao City kahit pinapatupad na rito ang enhanced community quarantine.

“Ang entire Luzon ay under sa enhanced community quarantine. Tapos meron tayong na-issue na guidelines. Under the ECQ for the entirety of Luzon ay nakipagugnayan ang DILG sa lahat ng LGUs at nire-remind kung ano puwede at di puwede gawin,hindi lang sa Pasig kundi sa lahat ng syudad at probinsya ng Luzon. Merong strict guidelines na sinusundan para coordinated lahat ng efforts amid ECQ implementation,” pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa ginanap na virtual presser nitong Martes.

“Sa labas ng ECQ, binibigyan natin ng freedom ang iba’t ibang local government units, gamit ang guidelines ng IATF kung kelan sila puwede mag-community quarantine. Ganunpaman, tuloy-tuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng DILG sa lahat ng LGUs, maging sa Visayas and Mindanao,” he added.

Matatandaang sinita dati ng DILG ang pagpayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na bumiyahe pa rin ang mga tricycle sa kanilang lungsod para maghatid ng mga health worker at iba pang frontliner.(JC Cahinhinan/Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad