Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tricyle driver, PGH doc una sa Sinovac turok

0 95

Isang doktor ng Philippine General Hospital at isang tricycle driver mula sa lungsod ng Maynila ang unang tuturukan kapag dumating na ang Sinovac vaccine sa bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng inaasahang pagdating sa araw ng Linggo ng mga bakuna mula sa China.

Sinabi ni Roque na maaaring simulan kaagad sa Lunes ang pagbakuna sa mga prayoridad ng gobyerno kapag dumating sa takdang araw ang COVID vaccine.

“Kung matutuloy sa Lunes, ang PGH na-identify na nila. It would be the Spokesperson of PGH who himself suffered from COVID. Sa Maynila po naman ang sabi ni Yorme [Isko Moreno], ang unang bibigyan it will be a tricycle driver po,” ani Roque.

Ang doktor na unang mababakunahan ay si Dr. Jonas del Rosario na namatay rin ang mga magulang dahil sa COVID-19.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.