Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trike driver binoga ng kainuman

0 81

Isang tricycle driver sa San Juan, Batangas ang patay matapos pagbabarilin ng kanyang kainuman nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Edwin Moraleja, 48 taong gulang.

Ayon sa ulat, kainuman ni Moraleja si Ruel Ilao, isang magsasaka, dakong alas-6:00, kamakalawa ng gabi, sa Brgy. Escribano.

Nagkaroon daw ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa kaya’t umalis na lamang si Moraleja sa inuman para umuwi.

SM food to go Banner Ad

Ngunit habang naglalakad ay pinagbabaril umano siya ni Ilao sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nasawi agad si Moraleja habang nakatakas si Ilao.

Kaya naman ikinasa na ng pulisya ang operasyon upang mahanap ang suspek. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.