Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trike driver dinukot sa Tondo

0 264

Nahuli sa CCTV ang pagdukot sa isang tricycle driver sa Tondo, Maynila, Huwebes ng gabi.

Kita sa footage kung papaano pinalibutan ng apat na lalaki, dalawa ang nakasunod, si Matthew Sagario na isang tricycle driver. Ang isa sa mga lalaki ay nakahawak pa sa ulo ng biktima, habang mayroon pang may bitbit na baril.

Sa ibang anggulo ay nasilayan kung papaano sinakay si Matthew sa isang kotse na walang plaka.

Kwento naman ng kapatid ng biktima, matapos kumain ni Matthew ay lumabas lang ito saglit ng kanilang bahay, at 10 minuto ang nakararaan ay narinig nang nagsisigaw ang biktima ay nagpapasaklolo.

Nasilayan pa niya ang kanyang kapatid at tutulungan sana ito, ngunit pinagbantaan umano sila ng baril ng mga suspek.

Hindi naman batid ng kapatid ni Matthew kung sino ang mga dumukot dito dahil wala naman silang kilala na kaaway ng biktima.

Naireklamo na at nagawan na ng blotter ang nasabing pagdukot kay Matthew. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.