Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trike driver sa QC nagpakamatay

0 241

Nagpatiwakal ang isang tricycle driver sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Bungad, Quezon City kahapon.

Ang biktima ay nabatid na isang 29-anyos na lalaki na naninirahan sa nasabing lungsod.

Sa report ng CIDU-QCPD, bandang alas-8:30 ng umaga, nang matagpuan ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng kanilang inuupahang tahanan.

Batay sa pahayag ng misis ng biktima sa imbestigador na si P/Cpl. Alvin Sarmiento, tatawagin sana umano niya ang kanyang mister upang yayain na mag-almusal.

Subalit nang tunguhin ng misis ang kanilang silid ay bumungad sa kanya ang katawan ng mister sa kisame.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad humingi ng saklolo ang babae sa kanyang tiyuhin pero nang maibaba sa pagkakabigti ang biktima ay wala na itong buhay.

Ayon sa misis, wala siyang alam na dahilan kung ano ang nagtulak sa kanyang mister na magpakamatay pero nitong mga huling araw ay napansin umano niya na wala itong kibo at tila malalim ang iniisip.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may katanungan tungkol sa mental health, kinakailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin o nanganganib na kitlin ang sariling buhay.

Puwedeng tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727) o telepono (7989-8727 o 1553). (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.