Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trike driver tigok sa hit-and-run

0 101

Tumilapon ang isang tricycle driver at bumagok ang ulo sa semento nang mabiktima siya ng hit-and-run sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Ideneklarang dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) si Amhangel Taris, 33, binata, nakatira sa Santo Domingo, Quezon City.

Nagtamo siya ng labis na pinsala sa ulo at katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon sa ulat, sakay ng kanyang Yamaha Aerox ang bikima habang binabaybay ang intersection ng 10th Avenue at 5th Avenue sa Caloocan dakong alas-2:45 ng madaling-araw.

Pagliko ni Taris sa kaliwang bahagi papunta sa A. Bonifacio, Quezon City, biglang na lang umano siyang binangga ng trailer truck at sa lakas ng pagkakabundol ay tumilapon ang una.

Sa halip na hintuan ay tumakas ang suspek patungong Balintawak.

Inalaam na ng mga pulis kung may CCTV sa lugar at kung nakunan ang plate number ng truck. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.