Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trike operator kinalawit sa P72K shabu

0 198

Nalambat ng Man­daluyong Police ang isang tricycle operator matapos makuhanan ng 10.7 gramo ng sha­bu na nagkakahalaga ng mahigit P72,000 sa ikinasang buy-bust op­eration, kamakalawa ng hapon sa Barangay Addition Hills.

Sa report ng Eastern Police District (EPD), na­kilala ang suspek na si Daniel Barrion, 40-anyos, tricycle operator at kabi­lang umano sa listahan ng drug watch list ng Mandaluyong Police sta­tion.

Inaresto ang suspek bandang alas-4:25, Lunes ng hapon sa kahabaan ng Block 39, Brgy. Addition Hills, nang magsagawa ng buy-bust ang mga

SM SuperKidsDay Banner Ad

tauhan ng Mandaluyong SDEU, 5th MFC, RMFB at EPD-DMFB Intelligence Unit matapos magpositibo sa surveillance kaug­nay sa ‘pagtutulak’ ng suspek.

Nakumpiska mula kay Barrion ang tatlong sachet ng shabu na nasa 10.7 gramo ang timbang at, nasa P72,760 ang halaga, at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang na­kakulong ang suspek sa Mandaluyong de­tention cell at nahaha­rap sa kasong paglabag sa RA 9165. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.